BUKAS NA! Kabataan Katuwang Sa Pagbabago (KKSP) Season 7!

ABANGAN bukas ang EPISODE 6 ng KKSP Season 7: Bangsamoro Ngayon Teleradyo. Mula 9:30 AM – 10:30 AM, mainit nating talakayin ang mga Gabay sa Pagsasagawa ng Malinaw at Madaling Ma-access na Halalan sa Bangsamoro Autonomous Region para sa 2025 Parliamentary Elections. Kasama bilang Guest Speaker si Atty. Jurhaiza H. Japurie, Supervising Legislative Staff Officer I ng Office of BTA Floor Leader MP Atty. Sha Elijah B. Dumama-Alba.
Kasama ang inyong hosts na sina Hanapiya Osop at Sophia Abdullah.
Mapapanood live sa UVPN Page at mapapakinggan sa DXMS Radio Bida 882.
Kung may nais na mga katanungan sa paksang gustong pag usapan, mag komento lang sa post na ito o mag-text lamang sa 0905-952-7160 at aming susubukang masagot lahat ng ito sa aming teleradyo program.
————————–
Ang programang magbibigay kalayaan para pag-usapan ang dapat pag-usapan at malinawan ang dapat malinawan. Ang BANGSAMORO NGAYON ay serbisyong publiko na bahagi ng ACTIVATE Young Bangsamoro Project hatid ng UK Government, The Asia Foundation, UVPN at ng himpilang NDBC Studio.
#ACTIVATEBangsamoro
#UVPN
#KaisaKa
#KatuwangSaPagbabago